Jump to content

Commons:Wiki Loves Folklore 2026 in Manila/tl

From Wikimedia Commons, the free media repository
This page is a translated version of a page Commons:Wiki Loves Folklore 2026 in Manila and the translation is 100% complete. Changes to the translation template, respectively the source language can be submitted through Commons:Wiki Loves Folklore 2026 in Manila and have to be approved by a translation administrator.


Ito ang pahina ng aktibidad ng Pamayanan ng Pilipinas Panorama na nakabase sa Maynila, Pilipinas, para sa Wiki Loves Folklore 2026.

Ang Wiki Loves Folklore ay isang pandaigdigang kumpetisyon sa multimedia upang tangkilikin at ipagdiwang ang pagkakaiba-iba ng kultura ng mundo sa pamamagitan ng Wikimedia Commons at Wikipedia. Maaaring lumahok ang sinuman. Ang Wiki Loves Folklore 2026 ay nakabatay sa naging tagumpay ng kampanya noong 2025, na nagpapatuloy sa pagtutok nito sa pagpupugay sa katutubong kultura. Ang inisyatibong ito ay nag-ugat pa noong 2018, na nagmula sa Wiki Loves Love 2019, na nagtampok naman sa mga seremonya at pagdiriwang na nakasentro sa pag-ibig.

Saklaw

Ipinagdiriwang ng patimpalak sa media ngayong taon ang mayamang katutubong kultura mula sa buong mundo, na nagtatampok ng mga kategorya na kinabibilangan ng (ngunit hindi limitado sa) mga katutubong pista, sayaw, musika, aktibidad, laro, lutuin, pananamit, at iba't ibang uri ng tradisyonal na pagpapahayag. Maaaring kabilang dito ang mga balada, kwentong-bayan, kwentong engkanto (fairy tales), alamat, pana-panahong pagdiriwang, mga kaugalian sa kalendaryo, katutubong sining, katutubong relihiyon, at mitolohiya. Para sa karagdagang inspirasyon at mas malawak na pagpipilian ng mga halimbawa, inaanyayahan ka naming tuklasin ang pahina ng Kategorya.

Mga detalye ng paglahok

1. Kunan ang kultura
Kuhanan ng litrato o irekord ang mga tradisyon, ritwal, kwento, pagkain, sayaw, musika, pananamit, sining, o pamana ng komunidad.

2. I-upload
Isumite ang iyong mga gawa sa Wikimedia Commons sa pagitan ng ika-1 ng Pebrero – ika-31 ng Marso 2026.

3. Ilarawan at ikategorya
Magdagdag ng paglalarawan ng media, lokasyon, petsa, at mga nauugnay na kategorya.



Patimpalak sa Pagsusulat

Magkakaroon din ng patimpalak sa pagsusulat: Ang Feminism and Folklore 2026 na magsisimula sa ika-1 ng Pebrero 2026 hanggang ika-31 ng Marso 2026. Gumawa o magpalawak ng mga artikulo sa Wikipedia tungkol sa peminismo, talambuhay ng mga kababaihan at mga paksang nakatuon sa kasarian para sa proyekto, na nakaayon sa pagtutok ng Wiki Loves Folklore sa gender gap na may temang katutubong kultura. Isinusulong ng Pamayanan ng Pilipinas Panorama ang pagkakaiba-iba (diversity) sa lahat ng aspeto, kaya hinihikayat ka namin dito na lumahok sa isang proyektong gumagamit ng lokal na wika na iyong napili.

Sumali sa aming Upload-a-thon!